Sa
simpleng bagay ay nagagawa ko nang maging masaya. Pero, may isang pangyayari sa
buhay ko na sumubok ng katatagan ko bilang tao.
Extended family po kaming nakatira
sa bahay at isa nga po sa kasama namin sa bahay ay ang lola ko. Talagang
malapit po kami ni lola dahil siya po ‘yung nag-aasikaso sa amin. Siya po ang
gumigising sa umaga para ipaghanda ako, nagluluto ng ulam naming, naghahatid at
nagsusundo sa akin sa eskwela noong ako’y elementarya pa lamang. Palagi po
kaming nakakapag-bonding tuwing naglalakad kami papunta sa school. Kapag po may
dumadaang mga magagandang sasakyan sinasabi po niya sa akin na pagbutihin ko
daw po ang pag-aaral ko para balang-araw maisakay ko din daw po siya sa ganoong
kagarang sasakyan. Lagi din po niya akong binibiro na ang tagal naman daw dumating
ng panahon na ililibre ko siya sa tindahan ng biscuit at softdrinks. Natatawa
na lang po ako kasi iniisip ko ang babaw ni lola. Isang araw, humingi po ako ng
pera kay mama at nilibre ko si lola ng biscuit at softdrinks. Tinawanan niya
lang po ako. Ang ibig daw po niyang sabihin ay ilibre ko siya sa unang sweldo
ko, yun bang perang pinaghirapan ko na mismo.
Mahal ko po ang lola ko kaso nga
lang madalas po akong sakit ng ulo sa kanya. Madalas po kasi ay tamad ako at
matigas ang ulo, siyempre bata pa hindi pa gaanong malawak ang isip ko. Yun nga
lang, hindi ko sinasabi sa kanya kasi po hindi po ako sanay na pinapakita ko
yung nararamdaman ko. Hanggang sa isang araw, huli na ang lahat. Nakatanggap po
ng text ni mama na patay na daw po si lola sa edad na hindi pa maituturing na
senior citizen. Noong mga panahong iyon ay umuwi siya ng probinsya kaya wala
siya sa aming bahay. Mula sa mahimbing kong pagkakatulog, nagising po ako sa
iyak ni mama. Wala na pong kailangang sabihin pa si mama sa akin noon, alam ko
na po dahil sa usapan nila ni lolo sa telepono. Wala na ang lola ko. Wala na
siya, ang lola kong palagi kong kasama na parang kahapon lang nakikita ko pang
nakangiti. Wala na siya, hindi ko na maririnig ang boses niya. Wala na ang lola
ko.
Ang
hirap pong tanggapin. Ako po yung pinakamalapit na apo niya. Nagsisisi po ako
sa lahat. Sayang yung oras noong nandito pa siya. Hindi ko manlang nasabi sa
kanya na “La, thank you po sa lahat, sorry sa mga nagawa ko, I love you”. Kahit
anong iyak ko pa sa kabaong niya, kahit ilang I love you pa sabihin ko, wala
na. Hindi na niya ako maririnig. Hindi na siya makakasagot. Siguro nga po oras
na niya talaga. Masaya na po siguro siya doon sa itaas kasama si Lord, wala na
siyang nararamdamang sakit.
Sa
totoo lang po, matagal na panahon bago kami makapag-adjust sa bagong buhay na
wala siya. Pero kahit ganoon, nag-iwan naman siya ng masasayang alaala. It
takes time to heal wounds. Memories last forever in our hearts. Kung mayroon
man po akong lesson na natutunan sa nangyari, ito ay yung dapat tayong
magpahalaga sa oras. Oo nga at nandyan pa ang mga mahal natin sa buhay, pero
kahit anong oras maari silang mawala sa atin. Dapat bawat segundo
pinapahalagahan. Sabihin na ang mga nais sabihin, hindi yung kailang wala na
siya tsaka mo lang sasabihin. Huwag nating hintayin na tska mo lang malalaman
ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa iyo. We should treasure every
moment. Dahil po sa pangyayaring ito, mas naging matured na po ako at lumawak
na ang aking pag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay sa mundong ito. Natutunan ko
na rin pong magpahalaga sa buhay.
Everything
has a purpose. This experience serves as my inspiration in life. I will apply
the lessons I’ve learned to face the future. With God, I know everything would
be fine if you just believe and trust Him. This experience made me stronger and
defined me as a person.
-Michelle Agader
-Michelle Agader